February 26, 2012

Joke, Joke, Joke!

JUAN:Nay, tinuruan po kami ni Maam magsulat kanina! NANAY:Wow, anong ipinasulat sa inyo? JUAN:Ewan ko po, di pa naman kami tinuruan magbasa!

NEWS: Isang 2-SEATER plane ang bumagsak sa sementeryo. Mahigit sa 500 bangkay ang narecover ng pulisya at patuloy ang ginagawang paghuhukay.

JUAN:Manong, magkano ang GUPIT? BARBERO:P100 po sir! JUAN:Magkano ang AHIT? BARBERO:Promo po, P50 lang! JUAN:O sige, PAKIAHIT ang ulo ko!

JUDGE:Totoo bang binato mo ng SILYA ang iyong asawa? MISIS:Opo, your honor! JUDGE:Bakit mo ginawa yon? MISIS:E di ko po mabuhat yung LAMESA!

TATAY:Anak, ano itong mga "F" sa mga subjects mo? JUAN:Tay, yung iba po ay FASS at yung iba po ay FERFECT! TATAY:Wow, talino ng anak ko!

JUAN:Tay, nakipag-away po ako sa LALAKI dun sa kanto! TATAY:Astig talaga ang dyunyor ko! Resbakan natin? JUAN:Wag na po, BREAK na po kami!

VALUES. GURO:Kung nakita ko ang isang tao na nananakit ng unggoy at pinigilan ko sya, anong ugali mayroon ako? JUAN:Pagmamahal sa kapatid!

No comments:

Post a Comment